PANINIWALA SA TOTAL DEPRAVITY, o “PANGKALAHATANG KABULUKAN” NG TAONG NASA KASALANAN
ISINALIN MULA SA INGLES, SULAT NG BEREA BAPTIST BANNER NOBYEMBRE 5, 1999
Ang salitang, “pangkalahatan” ay nangangahulugan ng buong-buo, sagaran, at ang salitang “Kabulukan” ay tumutukoy sa kalikasan ng tao, kasama na diyan ang puso, kaluluwa, desisyon, konsiyensya, pag-iisip tungo sa katwiran, kabanalan, kadakilaan ng Diyos.
Samakatwid, kapag sinabi natin na ang buong sangkatauhan ay lubog sa “pangkalahatang kabulukan”, naniniwala tayo na bawat isa ay makasalanan, walang matuwid kahit isa, at lahat ay nasa estado ng rebelyon laban sa Manlilikha. Kaya ang tingin sa tao ng Manlilikha ay marumi. At ang karumihan na ito ay kalat sa kanyang buong pagkatao. Dahil dito, ang isang taong nasa kasalanan ay walang kakayanang sumunod sa Diyos.
Ang kabulukang ito ay umaabot sa bawat kagustuhan ng puso at isipan. (Boyce)
Ngunit sabi ng iba, “hindi iuutos ng Diyos sa tao ang hindi niya kayang gawain” Ang kaisipang ito ay taliwas sa katotohanang tanging si Kristo lamang ang nakasunod ng LAHAT ng Kautusan ng Diyos. Sa Kanyang pakikipag usap kay Nikodemo, sinabi Niya, “Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, maliban ang isang tao ay ipanganak na muli, hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos” (Juan 3:3) Sinabi Niya rin sa mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo naiintindihan ang aking mga sinasabi? Sapagkat hindi ninyo marinig ang aking mga salita” (Juan 8:43).
Ang mga taong hindi pa ipinanganak sa Espiritu, ay tanging ang kanilang pisikal na kakayanan lamang ang magagamit sa pakikinig, kaya di nila maiintindihan o magagagap ang salita ng Diyos. Ito ay sapagkat ang salita ng Diyos ay pumapatungkol sa mga bagay na spiritwal at ang laman ay walang kakayanang umakyat mula sa kamulatang pang-laman.
Dahil ang tao ay may “PANGKALAHATANG KABULUKAN” may alitan sa pagitan ng Manlilikha at ng tao kaya nga’t ang wika ni Hesus ay ganito, “Walang taong makakalapit sa akin, maliban ang aking Ama na nagsugo sa akin ay hilahin siya: at akin siyang ibabangon sa huling araw” (Juan 6:44). Sinabi pa ng Panginoong Hesus, “Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; ang laman ay walang napapakinabangan: ang mga salitang winiwika ko sa inyo, ang mga ito ay espiritu, at ang mga ito ay buhay.” (Juan 6:63-65)
Maaari nating sabihin na ang pagbibigay-buhay ng Espiritu ay tumutukoy sa Kanyang pagkilos na kung saan ang mga taong may sakit ng “PANGKALAHATANG KABULUKAN” ay lumilipat “mula sa kamatayan tungo sa pagkabuhay” (Juan 5:24). Sabi pa nga ng Panginoon, “Gaya rin na ang aking Ama ay ibinabangon ang mga patay, at binibigyang buhay sila; gayon din naman ang Anak ay nagbibigay buhay sa sinumang gusto Niya” (Juan 5:21)
Samakatwid ay maaari nating sabihin na ang pagbibigay-buhay at ang pag-hila ay tumutukoy sa iisang bagay. Ang radyo o telebisyon ay di makakatanggap ng programang nakapalibot dito mula sa hangin, kung ito ay patay. Gayon din naman ang isang tao ay walang matatanggap na bunga ng kaligtasan mula sa Diyos kung siya ay hindi pa binibigyang buhay sa kanyang espiritu. At ito ang aral ng 1 Korinto 2:14, “ang taong nasa kalikasan niya, ay hindi tumatanggap ng mga bagay ukol sa Espirito ng Diyos: sapagkat kahangalan lamang ang mga ito sa kanya: ni hindi niya ito kayang alamin, sapagkat ang mga ito ay naiintindihan sa espiritu.” At sinabi pa sa Roma 8:7 na “ang isipang sa laman ay kaaway ng Diyos, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa batas ng Diyos, hindi kailanman”. At si Apostol Pablo ay binigyang-diin ang mga ito sa pagsasabing, “Walang taong magsasabing si Hesus ay Panginoon, maliban sa Banal na Espiritu” 1 Korinto 12:3. Ang ating Panginoon ay may sinabi din kay Pedro na, “Pinagpala ka Simon na anak ni Jonas: sapagkat hindi laman at dugo ang naghayag sa iyo nito, kundi ang Aking Ama na nasa langit” (Mat 16:16-17)
Sa ating lipunan, sinuman na may kapansanang pangkalahatan ay hindi inaasahang magtrabaho. Humahanap sila ng ibang paraan para makapagpatuloy sa buhay. Gayundin naman, ang taong may “PANGKALAHATANG KABULUKAN” ay dapat lamang ilayo ang tingin nila sa kanilang sarili at ibaling ang kanilang pagtingin sa Panginoong Hesus, na Siyang gumawa ng lahat ng bagay
Sa usaping ito, ang sinabi ni Pablo ay, “Sapagkat sa biyaya kayo nangaligtas sa pamamaraang pananampalataya, at hindi mula sa inyong sarili: ito ay regalo ng Diyos: hindi mula sa gawa, upang walang sinuman ang magmalaki.” (Efeso 2:8,9)
Kapag sinuri ang salita ng Diyos ukol sa “PANGKALAHATANG KABULUKAN” malilinawan na ang isang taong nasa kasalanan ay hindi makakaita (Juan 3:3-7) hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos kung walang bagong kapanganakan (Juan 3:3-7); hindi makakarinig ng salita ng Diyos (Juan 8:43); hindi lalapit kay Kristo (Juan 6:44); hindi kayang sumampalataya kay Kristo (Juan 12:39-40) hindi magpapasakop sa kautusan ng Diyos (Rom. 8:7) hindi kayang makaintindi ng mga katotohanang espiritwal (I Cor. 2:14); hindi kayang magsabi na si Hesus ay Panginoon (I Cor. 12:3) hindi kayang makapagbigay ng katuwaan sa Diyos (juan 3:6; Rom. 8:8).
Samakatwid, ang mga nasa kasalanan ay nasa kalagayang nakatanikala at pagka-alipin at walang kakayanang palayain ang kanilang sarili. Ang kanilang tanging pag-asa ay nakasalalay kay Kristo Hesus.
Ang totoo, sinasabi ng banal na kasulatan na “Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.” Romans 8:2