QUESTIONS TO BE ANSWERED BY
THIS BIBLE STUDY
1. Ano ang pinaka
importanteng dapat malaman ng tao?
2. Paano ba makaka-siguro na
ako ay patungo sa piling ng Diyos at hindi sa kapahamakan?
3. Sabi nila, sumampalataya
lang, maliligtas na, tama ba yon na kahit masamang tao, kahit hindi
nagpakabait, sumampalataya lang, LIGTAS NA?
4. Bakit ang daming
relihiyon, alin bas a kanila ang tamang relihiyon?
5. Di ba ang gusto ng Diyos
ay igalang ang magulang at di dapat talikuran ang mga pinamulat nilang aral?
Kaya hindi ko tatalikuran ang relihiyon na aking kinamulatan.
1. Ano
ang pinaka importanteng dapat malaman ng tao?
Importanteng malaman ng tao na ang mundo ay patungo sa kapahamakan. (Rom.
3:10-16). Ang normal at natural na tao ay patungo na sa matinding kahihiyan at
masakit na parusa. (Daniel 12:2; John
3:18). Wala na siyang dapat pang gawaing
Krimen o kawalanghiyaan para maging patungo sa impierno. Ang lahat ng tao ay likas na makasalanan mula
sa kapanganakan. (Psalm 58:3; Eph 2:3)
Dapat malaman ng tao na ang lahat ng
kanyang ipinupundar sa ngayon, maliit man ito o malaki, pati na ang kanyang
magandang pangalan ay maglalaho, mababalewala, magiging
abo lamang. (2 Pet 3:10)
Dapat malaman ng bawa’t isa na pati ang mga gawang kabaitan,
pagka-relihiyoso, paglilingkod, katapatan, pagiging masigasig para sa Diyos,
pagsisisi, pag-iyak sa harap ng altar, pagbibigay ng salapi, pagpapatayo ng
sariling bahay o bahay-sambahan, o pagbabagong-buhay man, ay walang maitutulong upang makaiwas sa
kapahamakang darating sa mga tao. (Matt. 7:21-23)
Lahat ay sisirain, lahat ay mawawasak, lahat ay
gugunawin.
Dapat malaman ng tao na ang kamatayan ng katawan ay hindi
nangangahulugan na tapos na ang lahat ng responsibilidad.
1. Ang pagka-agnas
ng katawan ay hindi nangangahulugan nang pagkawala ng kamalayan (Luke 16:23)
2. Pagkatapos
ng buhay sa mundo, magpapatuloy ang lahat ng tao sa susunod na buhay (John 5:28-29)
na walang katapusan.
Ang mga tungo sa kapahamakan ay magdurusa, una sa
kaluluwa, at pangalawa’t pangwakas, ang kaluluwang hindi nawawalan ng malay ay
isisilid sa isang katawan na di nalulusaw ng matinding apoy. Walang katapusang init, nagbabagang asupre,
masakit sa balat, walang patid na hirap.
Umuusok ngunit di nauubos. Walang
pag-asa na may mahahabag. (Rev. 14:11)
Kabayan, ito ang iyong hahantungan, Ito ang iyong
kahihinatnan, Ito ang iyong bukas kung walang sasagip
sa iyo.
Dahil ang tao ay nagkasala sa harap ng isang Napakabanal na
Diyos, obligasyon ng Diyos na parusahan ang mga sumuway sa Kanyang mga makatwirang
kautusan. Samakatwid baga’y kalakip sa
kalikasan ng Diyos ang magparusa sa mga suwail.
Ang pagpapakawala o pagbabalewala sa kasamaan ay gawain ng diyablo (Gen.
3:4) at hindi ito gagawain ng ating matuwid na Diyos. (Ex. 23:7, 34:7, Ps.
11:5, Nahum 1:3, Rom 2:9)
Pag-usapan
natin ang iyong mga gawa. Sa tingin mo
sa iyong sarili, Ikaw ay mabait.
Subalit, tingni, ang bawa’t isa sa iyong mga ginawang
kasinungalingan, maliit man o malaki, puti man o itim, para sa ikabubuti o
ikasasama, biro man o totoo; ay may katampatang parusa at iyan ay huhukuman
(Matt. 12:36). Kilala ka ng Diyos, alam nya ang bawa’t salita
na namutawi sa iyong bibig. Pagbabayaran
mo lahat ang ginawa mong kalapastanganan sa iyong mga magulang. Pagbabayaran mo ang bawa’t malaswang isip,
may malisyang pagtingin, pagnanasa sa gamit ng iba, pagluhod sa ibang diyos,
paglilingkod sa sarili sa halip na pag gugol ng oras para sa Kataas-taasang
Diyos. Walang makakalusot sa Kanyang
mapanuring mata sa Oras ng Pagtutuos. (Heb. 2:2,3)
Ano kamo? Sinasabi mo ba
na di ka naman masyadong masama?
Tinututulan ba nang iyong puso ang mga paliwanag ko sa iyo? Ganyan nga ang puso ng tao. Kung ang mga pangugusap na naririnig mo ay
galing sa akin lamang, sa aba ko, at sa aba mo (I Thes. 2:13). Nawa ay ang Diyos mismo ang kumausap sa iyo,
sapagkat kung sa ganang akin lamang, ay balewala nga ang mga salitang ito (I
Cor. 2:9,10).
Mas marami ba kamo na mas masama pa kaysa sa iyo (Luke 13:3, Rom. 3:9, 2 Cor. 10:12)? Hindi mo ba alam na habang ipinagmamalaki mo
ang iyong pagiging matuwid, ay lalo kang nababaon sa pagiging baluktot sa harap
ng Banal na Diyos (Rom. 10:3)?
Subalit may mas malala pang problema ang tao...... (cont'd)